Mas Lalong Bumagal ang Usad ng The Flash Movie


Nakakatawang isipin na kung ano ang ikinabilis ni The Flash ay siya namang ikinabagal ng pag-usad ng kanyang pelikula. Matapos ang mga ilang bigong negosasyon sa pagitan ng mga writer, director, at mga producer, ay lalo pa ring mas matatagalan ang paghihintay natin para sa kauna-unahang solo movie ni Ezra Miller bilang si The Flash. Kung tama ang kalkulasyon ng mga balita, baka sa taong 2021 pa natin mapanood ang nasabing pelikula ng pinakamabilis na lalaki sa balat ng lupa.

Ayun sa balita ng Variety, ang dahilan ng pagka-antala ng pelikula ay dahil sa schedule naman ni Ezra Miller sa pag-gawa ng ikatlong installment ng Fantastic Beasts movie series. Target ng Warner Bros na simulan ang pagso-shooting ng The Flash sa susunod na taon, 2019. Ang problema, e sa July din ng parehong taon maguumpisa ang shooting naman nya sa Fantastic Beast. At pagkatapos pa nyan bago pa lang magiging libre si Eza Miller para magshoot ng The Flash, na kung susumahin ay baga sa mga huling bahagi ng 2019 masiluman.

Syempre pagkatapos ng shooting, didiretso yan sa post-production phase na madalas ay nagkakaroon pa ng additional na shooting bago tuluyang matapos ang isang pelikula. Kaya kung tatantyahin, mga nasa 2021 pa talaga mare-release ang unang The Flash na live action movie.

Ano, ang tagal no?
Powered by Blogger.