Bagong Poster ng Daredevil Para sa Season 3 Nandito Na
Habang papalapit tayo ng papalapit sa pagdating ng Season 3 ng Daredevil series sa Netflix ay patuloy pa rin ang Netflix sa paglabas ng mga marketing material nila para sa nasabing palabas. Ang pinakabago sa listahan? Isang malupit na poster ng mismong bida na si Matt Murdock bilang Dardevil. Tignan sa ibaba.
Kung maaalala ninyo, heto rin yung kaparehong costume nya nung Season 1. Maliban sa pagbabalik nya sa dating kasuotan, (at kamatayan nung The Defenders Season 1?), nagbabalik din sa eksena ang mortal nyang kaaway na si Wilson Fisk na mas kilala sa tawag na Kingpin. May bago rin syempre, dito natin unang makikita ang katauhan ni Bullseye, isa sa mga kilalang kalaban din ng ating Daredevil.
Ang season 3 ng Daredevil na ito ay bahagyang base sa "Born Again" series sa comics. Kung pamilyar ka sa kwento nyan sa comics, medyo may kaunti ka nang kaalaman sa mga pwedeng mangyari sa season na ito.
Darating ang panibagong season sa Netflix sa October 19. 13 episodes, excited na ba kayo?

I Hope you are doing great, cheers!