Paunang Silip sa Mas Makulay na Kasuutan ni Gal Gadot sa Wonder Woman 1984
Kasalukuyang nasa kasagsagan ng pagsu-shooting ang susunod na pelikula ng direktor na si Patty Jenkins at aktres na si Gal Gadot na pinamagatang Wonder Woman 1984. At habang sila ay abala sa paggawa ng nasaling pelikula, abala rin sila sa pagpapalabas ng mga bagong materyales sa internet para sa mga tagahanga ng pelikula. Ngayon, sa pamamagitan ng social media account ni Gal Gadot, ay naglabas sila mg unang larawan ni Wonder Woman taglay ang mas matingkad at maaliwalas na kasuutan.
Naka-caption naman sa larawan ang mga katagang Siya'y nagbabalik (She's back).
She's back... 🙅🏻♀️ #WW84 pic.twitter.com/gJLB4TyAAu— Gal Gadot (@GalGadot) June 16, 2018
Base na rin sa opisyal na titulo, ang mga kaganapan sa ikalawang bahagi ng Wonder Woman ay mangyayari sa taong 1984, mga ilang dekada matapos ang unang palabas na nangyari sa panahon ng Ika 2 Digamaang Pandaigdig.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas sila ng mga unang litrato ng Wonder Woman 1984. Ilang araw lang ang nakalipas, mismong ang direktor na si Patty Jenkins ay nagpost sa kanyang Twitter account ng mga ilang imahe para rito at isa sa mga iyon ay talagang nagbigay-ingay sa mundo ng mga tagahanga. Ano'ng meron? Larawan lang naman ng aktor na si Chris Pine bilang si Steve Trevor. Ngayon, bakit naman naging kontrobersyal ito? Kung maaalala ninyo, isinakripisyo niya ang buhay niya sa unang Wonder Woman na pelikula upang mailigtas sangkatauhan. Habang walang ipinakitang patay na katawan niya sa palabas na iyon, malinaw na ipinalabas ang pagsabog sa himpapawid ng eroplanong kanyang sinakyan.
Kung bakit nandito pa rin sa taong 1984 si Steve Trevor matapos ang halos 40 taon at papaanong nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan, ay malalaman natin sa Wonder Woman 1984 na kasalukuyang naka-iskedyul na ipapalabas sa darating na Nobyembre taong 2019.
I Hope you are doing great, cheers!