Libreng Japanese Manga Tungkol Kay Dr. Jose Rizal Inilabas Na
Noong isang araw, ipinagdiwang natin ang ika-157 kaarawang anibersaryo ni Dr. Jose Rizal. Kung sakaling hindi mo na maalala ang araw ng kanyang kapanganakan, si Pepe ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo taong 1861 sa may Calamba, Laguna.
Ngayon, hindi lang ako sigurado kung nagkataon lang o talagang bilang bahagi na rin ng paggunita sa kaarawan ng isa sa mga Filipinong may pinaka-makikinang na isip ang ganap na pagpublika ng isang Japanese manga patungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal.
Ayon kay Takuro Ando, kinatawan ng kompanyang TORICO, nagbigay inspirasyon daw sa kanya ang paggawa ng manga na Jose Rizal nung una niyang makita ang rebulto ni Rizal sa isang kilalang lugar sa Tokyo, Japan. Simula noon, nag-umpisa siyang magsaliksik patungkol sa kwento ni Pepe lalung-lalo na sa mga nagawa niya hindi lamang para sa Pilipinas pati na rin sa mga impluwensiya niya sa bansang Hapon.
Upang maisakatuparan ang proyektong ito, inaatasan niya si Takahiro Matsui upang limbagin ang buong kwento at si Ryo Konno naman para sa pagsasalarawan.
Ayon sa kumpanya ng Torico, ang Jose Rizal ay binubuo ng halos 100 pahina. Sa ngayon, nailathala na nila ang mga unang pahina sa intenet at mababasa na ito nang simuman nang walang bayad. Sa ngayon, ito ay pwedeng basahin sa wikang Ingles at Hapon. May plano raw sila sa hinaharap na isalin din ito sa Filipino.
Maaari mong basahin ang Jose Rizal manga sa manga.club para sa Ingles at sa sukina.me naman para sa Hapon. Ang mga susunod na bahagi ay ilalabas din sa mga nasabing website tuwing araw ng Martes.
I Hope you are doing great, cheers!