Justice League Movie Synopsis and Superhero Logos Revealed


Kamakailan ay nag-imbita ang Warner Bros Studio ng mga blogger at reporter sa kanilang shooting location sa London ng Justice League movie. Dito ay binigyan nila ng exclusive access ang mga naimbita kagaya ng interview, photo ops at higit sa lahat update tungkol sa kasalukuyang estado ng Justice League movie. Isa sa mga inireveal nila ay ang bago at opisyal na logo ng pelikula na kung saan ay una nating makikita sa isang pelikula ang mga sikat na DC Comics superheroes na sina Batman, The Flash, Wonder Woman at Superman.

Sa itaas ay ng bagong revealed na logo. Ano masasabi nyo? Sakto lang ba, simple, o hindi nakakaexcite? Pag-usapan natin sa baba kung ano naiisip mo tungkol sa bagong logo. Malamang sa malamang ay heto na talaga ang opisyal na logo ng unang Justice League na palabas kahit hindi pa talahga natin mapapanood ito sa mga sinehan hanggang November ng 2017.

Heto naman ang opisyal na synopsis ng Justice League.

"Fueled by his restored faith in humanity and inspired by Superman's selfless act, Bruce Wayne enlists the help of his newfound ally, Diana Prince, to face an even greater enemy. Together, Batman and Wonder Woman work quickly to find and recruit a team of metahumans to stand against this newly awakened threat. But despite the formation of this unprecedented league of heroes - Batman, Wonder Woman, Aquaman, Cyborg and the Flash - it may already be too late to save the planet from an assault of catastrophic proportions."
Ayun pa sa mga ibang balita, dahil marami sa mga fans at critics na hindi masyadong natuwa sa kinalabasang Batman v Superman: Dawn of Justice, e sinusubukan din daw ng production team na gumawa ng mga adjustment sa Justice League na ito na base sa gusto ng karamihan.
Powered by Blogger.